HIRAYA Top Headlines

Thursday, August 16, 2007

Ang 'Tag-ray' at ang Wikang Pinoy!


Ipinanganak ako sa Catbalogan, Samar. Waray ang wika namin doon. Tubong Samar ang aking ama samantalang sa Leyte naman isinilang ang aking ina. Samakatuwid, purong Waray ako. Taong 1990, magtatatlong taong gulang pa lang ako noon nang magdesisyon ang aking mga magulang na manirahan dito sa Maynila. Nagtatrabaho kasi ang aking ama bilang isang seaman at magiging madali para sa amin ang makasama siya ng mas matagal kung dito sa siyudad kami titira. Hindi na niya kinakailangan pang lumuwas sa probinsya sa tuwing uuwi siya rito sa Pilipinas.

Naging mahirap para sa aming magkakapatid ang pagluwas dito. Kinamulatan namin ang wikang Waray. Pati mga kalaro namin noon ay ganito ang wika kaya ang paninirahan namin sa may Valenzuela ay naging mas mahirap. Nakakatawa ang mga una naming usapan dahil halo-halo ang mga salitang ginagamit ko noon. Nagpipilit akong managalog na ewan.

Ngayon, mahigit labin-limang taon mula nang lumipat kami sa Maynila, naririto na kami ngayon sa Bulacan. Kabaligtaran noon, ang Waray naman ang nahihirapan akong gamitin.

Marunong pa rin naman akong magwaray. Dito kasi sa bahay, Waray pa rin naman ang madalas naming gamitin. Pero hindi na ganoon kapulido ang pagsasalita ko nito. Marami pa nga sa mga kaibigan at kaanak ko ang kung minsa'y natatawa sa ilang salita ko dahil nagiging “Tag-ray” (pinaikling Tagalog-Waray) na raw ito.

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring kultura. At mula rito, umusbong ang sari-saring mga wika na pinagyayaman ng kani-kanilang lahi. Sa kabila ng pandaigdigang panawagang globalisasyon na naghahayag sa wikang Ingles bilang pangunahing wika, hindi rin nito tuluyang nabasura ang ugat ng pagkakaisa ng lahing Pilipino. Bagkus, nakatulong pa nga ito upang maging maayos ang iba't ibang bayan sa bansa.

Sa ngayon, naging tila kabute man ang pagsulpot ng mga call centers sa bansa na nangangailangan ng mga Pilipinong bihasa sa wikang Ingles, Espanyol, French, Mandarin at iba pa, damang-dama pa rin ang napakayaman nating mga wika. Mapapansin ding may iba-iba tayong paraan ng pagsasalita at ang diin nito na nakatutulong upang madali nating malaman kung saang bahagi siya ng bansa nanggaling.

Ang ating sariling mga wika, daigin man ng mga wika ng mauunlad na bansa at talikuran man ng mga kababayan natin upang mabayaran ng malaking halaga, hinding hindi nito mapapantayan ang kinang na idinulot nito upang buhayin ang lahing Pilipino. Kabayan, itaas mong Pilipino ka! Ipagmalaki mo!





PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)

presents

Wika2007 Blog Writing Contest

Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa



Sponsored by:

Ang Tinig ng Bagong Salinlahi

Sumali na sa DigitalFilipino.com Club

Sheero Media Solutions - Web Design and Development

Yehey.com - Pinoy to p're

The Manila Bulletin Online

WikiPilipinas: The free �n hip Philippine Encyclopedia



Alexa Rating

Ako'y isang manlalakbay na tinatahak ang naiibang daan; isang manunulat na pinagkaitan ng malilikahaing ideya; isang mamamahayag na walang layang magsalita. Ako'y isang mandirigma na tinalo ng karuwagan; isang mang-aawit na sarili ko lamang ang naaaliw; isang maralitang mayaman sa mga daing. Ako'y isang mananayaw na nagsasanga ang mga paa; isang mayamang uhaw sa kalinga; isang mangingibig na 'di marunong magmahal; isang mangangaral na siyang walang alam. Ako'y isang manlalakbay na patuloy na naglalayag tungo sa kaligayahang hinahanap ng sangkatauhan. Nangangarap. Nagmamahal. Nabibigo. Nasasaktan. At patuloy na naglalakbay...

My Schedule

FJORDZTERS

Fjordz@21

Subscribers

Blogarama - The Blog Directory Personal blogs Global Voices Online - The world is talking. Are you listening? A Pinoy Blogger Top100 Bloggers - Top Blog Directory - Blog Top list Pinoy-Blogs.com top blogs Pinoy Top Sites Top Pinoy BlogsPersonal Blogs - Blog Top Sites Subscribe with Bloglines Add to Technorati FavoritesBloggeries Blog DirectoryRanking.PinoyBlogosphere.Com Personal - Top Blogs Philippines .CO.NR Free DomainBlogista Topsites List Submit Your Site To The Web's Top 50 Search Engines for Free!

Search Engine Optimization and SEO Tools

Snapbomb