Views

Bilang sagot sa mga naunang tanong ng department head na inilabas niya sa isang Yahoo! Group, inilalatag na ng may-akda ang komprehensibo niyang mga salita sa bawat tanong:
1.What is the purpose of the article? Will the ECE students benefit from it? Will it contribute to the improvement of the ECE Department's Board Exam performance? What lesson can we pick out from it? Will it inspire the entire TIP community to do better in their studies?
Matagal na ring inaasam ng marami na magkaroon ng espasyo ang TIP Voice para sa mga karaingan ng mga estudyante. Kami, bilang bahagi ng publikasyon, ay parating gumagawa ng paraan upang mapagbigyan ang bawat suwestiyon na ibinibigay hangga't posible. At dahil naniniwala ang may-akda na posibleng magkaroon ng espasyo para sa mga karaingan, gumawa ito ng artikulo ukol dito. Hindi nito kailanman nilayong manira ng anuman o sinumang masasagasaan nitong personalidad o departamento. Muli, ang layon ng artikulong ito, ay makapagpalabas ng karaingan ng bawat miyembro ng ating komunidad. Dahil naniniwala rin ang may-akda na ang bawat isa ay mahalaga upang umunlad ang ating komunidad. Kaya't binibigyan ng laya ng may-akda ang lahat na makapagsalita gaya ng kalayaang tinatamasa ng bawat tao.
Kung ang ECE department naman ang patutungkulan dahil bahagi nga naman ito ng artikulong Whapack!, hindi namemersonal ang may-akda na sirain ang reputasyon ng departamento o ng puno nito lalo pa't ang inyong lingkod ay isang mag-aaral ng ECE. Pero, ano nga ba ang mapupulot ng mga estudyante sa ibinalita sa Whapack!? Narito ang punto ng may-akda: magkakalakas na ng loob ang bawat estudyante na magsalita para sa mga hindi nila gustong pamamalakad. Hindi sa gusto kong maging radikal mag-isip ang lahat kundi matanggal ang pasibong kapaligiran na meron tayo. Makakatulong ito sa lahat upang maging aktibo sa lahat ng aspeto para sa institusyon hindi lamang pang-akademiko. Magiging progresibo ang institusyon dahil bukas ang tenga nito sa lahat ng panig. Wala namang masama kung makikinig tayo sa bawat isa hindi ba?
Hindi naman ang ECE Department's Board Exam ang pinatutungkulan ng artikulo kundi ang proseso ng pagpigil sa mga gustong kumuha nito. Iyon ang inirereklamo ng isang impormante na binigyang-linaw naman ng isa pang impormante na parehong bahagi ng batch na iyon. Ang huling impormante ay isa nang certified ECE ngayon. Isa rin siya sa mga pumirma sa panukala at pumasa sa preboard.
2.Is the article based on facts? Who are the sources?
Ang Whapack! ay base sa sumbong ng ilang estudyate. Pinatunayan din ito ng sumunod na impormante bagama't nilinaw ng huli ang ilang mga detalye. At dahil sensitibo ang isyu, itinago ang pangalan ng mga impormante gaya ng hindi pagbanggit ng department head at pangalan ng departamento sa TIP Voice.
3. What is the impact of the article to those individuals who have contributed in the Board Exam performance? Do they get the due respect they deserve? Are their efforts mentioned and recognized? Have they (TIP Voice) seen all the individual and group efforts made by all parties involved?
Gaya ng sabi ko, isa sa mga impormante ay board passer at bahagi ng batch na iyon. Hindi naman sila direktang apektado gayong ang mga pumasa ay iyong mga pumasa rin ng preboard na ipinanukala ng department head. Sa tingin ko'y hindi naman apektado ang integridad ng kanilang pagkakapasa dahil hindi naman leakage ang balita tungkol sa batch nila na siyang pwedeng masabing direktang makakaapekto sa integridad nila bilang mga bagong ECE professionals. Naiintindihan din namin na ang puno't dulo ng nasabing panukala ay ang misyong mapataas ang board exam passing percentage ng ating departamento.
4.Is the article balanced? Did it show both sides of the story?
Sa aking opinyon, balanse namang naibahagi ang sumbong sa artikulo. Ipinakita ang ginawang pagbabago ng departamento mula sa nakapanlulumo nitong board exam passing percentage noong nakaraang board exam at ang ginawa nitong pagtama sa kalkulasyon ng Professional Regulations Commission o PRC sa kasalukuyang board exam percentage. Marahil, kaya lumalabas na hindi balanse ang artikulo ay dahil hindi personal na nakausap at nahingan ng opinyon ang naturang department head. Magkagayunman, iyon ang dahilan kung bakit hiningi ng aming EIC ang side niya noong ipinatawag siya nito noong ika-19 ng Disyembre 2007. Naging malinaw naman para sa artikulo ang ginawang 'paglilinaw' ng ikalawang impormante sa naunang pahayag ng unang impormante.
5.What did TIP Voice do to help improve our board exam performance? What gave them the right to make an article when they themselves have not contributed even in the smallest way possible?
Kami po'y mga batang mamamahayag. Nagsusulat upang makapagbigay-impormasyon (balita) o aliw (entertainment/features/literary) sa mga mambabasa. Kami ang nagsisilbing boses ng mga estudyante at ng buong kampus. Wala kaming kinikilingang kampo kahit na ang imahe namin sa marami ay nakasandal sa kampo ng administrasyon. Alam namin na pursigido ang ECE department na maiahon ang departamento mula sa lugmok nitong board passing percentage kaya kasama kami sa nagagalak na tuluyang nalagpasan nito ang below national passing percentage. Gayunpaman, hindi rin naman ito dahilan upang hindi namin tanggapin ang sumbong o mungkahi na aming natanggap. Nawa'y nauunawaan din po ninyo ang trabaho ng may-akda.
See Related Article/s: Whapack! Issues Part 1
Suggestion/s: Discuss this in Hiraya Porum. Post your opinions, comments and suggestions.


















|