HIRAYA Top Headlines

Wednesday, January 16, 2008

Isang Pagpupugay

Views


Nagsisimula ang pagkakaibigan sa isang magandang pagtatagpo. Kailanma'y hindi nabuo ang isang samahan sa pangit na simula. Maaring nagkakilala sa hindi magandang pagkakataon. Ngunit, lalalim ang samahan sa mga masasayang sandali. Ganap nating imulat ang sarili sa katotohanan. Maraming nagbabago kung kaya't walang relasyong nananatiling payak. May panahon upang harapin ng lahat ang kumplikasyon ng pagkaka-iba-iba ng bawat isa. At may panahon upang maunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng mga pangyayari.

Ito ang hamon sa isang relasyon, kung paanong manatili sa kabila ng iba-ibang pangyayari sa buhay. Kung paanong makaunawa sa mga bumibitaw at makaharap sa mga paparating. Kung paanong manatiling nagmamahal sa mga hindi nang-iwan sa kabila ng mga pagbabago at hindi bumitaw sa kabila ng hagupit ng mga pagsubok.

Hindi natin hawak ang buhay ng bawat isa. Hindi natin sila maaangkin habang buhay. Kahit gustuhin man nating maging bahagi ng buhay nila habang panahon, hindi rin tayo ang may hawak sa kapalaran. May magkaibang isip ang bawat isa na marunong pumili at magdesisyon. At may magkaiba ring puso ang bawat isa na marunong pumili ng nararamdaman. Dahil hindi tayo nabubuhay sa isang daigdig na tayo ang bida at may ibang manunulat. Dahil nabubuhay tayo sa mundong tayo mismo ang tauhan, tayo ang direktor, tayo ang manunulat ngunit may iba pang tauhang isa ring direktor at manunulat na kayang baguhin ang itinakda nating kwento. Dahil hindi natin hawak ang lahat kahit may kapangyarihan tayong gawin ang lahat.

Para sa malalim na pagkakaibigan, para sa bagong mga kaibigan, para sa mga nagbabalik na kaibigan, para sa mga naging kaibigan at para sa lahat ng mga itinuring na KAIBIGAN, salamat sa mga alaalang bunga ng kasiyahan at kalungkutan. Salamat sa mga susunod na bukas na atin pang pagsasamahan. Salamat!


Note: Matagal ko na sanang ipo-post ito kaya lang, sa dami ng dapat asikasuhin, ngayon ko lang nakita ito. Medyo marami na ring nagbago. Pero akma pa naman sa kalagayan ko ngayon.


Photo Credit: eSnips.com
About the Photo: The photo was taken from tkyawa's account in eSnips. I was actually searching for the song 'One Friend' when incidentally, the photo displayed along with the accounts carrying the song. Wanna share his short description for the picture:

"Two of our friends from this picture was died. So, our time will come like them in the future soon. Think about the past, and prepare for th future. But i remember the days when we are young, and this time was already embedded in my deepest memory! I wish only one thing, we want to unit again like old time again. Thura Kyaw Aung"

Thanks for the picture and your memories along with it!

Alexa Rating

Ako'y isang manlalakbay na tinatahak ang naiibang daan; isang manunulat na pinagkaitan ng malilikahaing ideya; isang mamamahayag na walang layang magsalita. Ako'y isang mandirigma na tinalo ng karuwagan; isang mang-aawit na sarili ko lamang ang naaaliw; isang maralitang mayaman sa mga daing. Ako'y isang mananayaw na nagsasanga ang mga paa; isang mayamang uhaw sa kalinga; isang mangingibig na 'di marunong magmahal; isang mangangaral na siyang walang alam. Ako'y isang manlalakbay na patuloy na naglalayag tungo sa kaligayahang hinahanap ng sangkatauhan. Nangangarap. Nagmamahal. Nabibigo. Nasasaktan. At patuloy na naglalakbay...

My Schedule

FJORDZTERS

Fjordz@21

Subscribers

Blogarama - The Blog Directory Personal blogs Global Voices Online - The world is talking. Are you listening? A Pinoy Blogger Top100 Bloggers - Top Blog Directory - Blog Top list Pinoy-Blogs.com top blogs Pinoy Topsites Pinoy Top Sites Top Pinoy BlogsPersonal Blogs - Blog Top Sites Subscribe with Bloglines Add to Technorati FavoritesBloggeries Blog DirectoryRanking.PinoyBlogosphere.Com Personal - Top Blogs Philippines .CO.NR Free DomainBlogista Topsites List Submit Your Site To The Web's Top 50 Search Engines for Free!

Snapbomb