Views
May isa na namang darating na pagtitipun-tipon ng mga blaggista. Hindi naman ako mahilig sa mga gatherings pero gusto ko ring makita ng personal ang mga blaggistang dito ko lang din naman nakilala sa Internet.
Kung papayagan akong umalis ng maaga sa OJT ko sa Smart, makakapunta ako sa Mini-EB na pinangunahan ni McBilly. Narito ang ilang detalye:
Bloggers Mini-EB
Where: SM Megamall
When:July 27, 2008 (Sunday)
Time: 7pm (Just in time for dinner)
Para sa mga interesadong pumunta, maaring direktang bumisita sa blog ni McBilly at magpalista. Ayon pa kay McBilly, magbibigay rin siya ng libreng invitation para sa Bench Blackout. Kita-kits!


















|