HIRAYA Top Headlines

Wednesday, October 15, 2008

Kung Gaano na Kahirap ang Pilipinas

Views

Isa ang Pilipinas sa biniyayaan ng pagkarami-raming likas na yaman. Bukod sa karamihan dito ay hindi pa nagagalugad, maswerte tayo dahil ang bansa natin ay tila hindi nauubusan nito. Maging sa yamang tao ay hindi rin naman tayo kinapos. Sa katunayan, ito ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa sa tulong ng mga ipinapadalang pera ng mga nangagsipag-layas na mga Pilipino. Pero bakit mahirap pa rin tayo?

Taon-taon, o siguro sapat na para sabihing buwan-buwan hindi nauubusan ng tao sa mga lansangan ng Kamaynilaan at iba pang kilalang siyudad sa bansa na naglulunsad ng mga rali laban sa mga daan-daan nilang ipinaglalaban. Buwan-buwan, larawan ito ng mapa ng Pilipinas. Sa likod nito, araw-araw, may iba pang mukha ang Pilipinas na sumasalamin sa mga anak nito - gutom... kahirapan!

Hindi rin naman masisisi ang mga Pilipinong mas piniling mangibang-bansa at bumuo ng panibagong buhay doon dahil na rin sa kawalan ng pag-asa dito. Noon, madalas nating sabihing sa Pilipinas, ang mga mayayaman ang umaasenso at ang mga mahihirap ang patuloy na naghihirap. Sa ngayon, medyo nabago na rin ang testamentong ito. Dahil sa ngayon, ang mga pulitiko ang patuloy na yumayaman, mahirap man o mayaman sila bago sila nahalal.

Pero kung tutuusin, dapat nasanay na rin tayo sa kabulukan ng sistema ng bansa. Kung tutuusin, sa deka-dekadang kasaysayan, dapat natuto na rin tayo. Pero hindi pa rin. Patuloy na nilalason ng kanser na ito ang utak ng mga pinuno natin. Patuloy nitong binubulok ang mga nabubulok nang komunidad natin. At patuloy nitong ibinabaon ang mga Pilipino sa kahirapan.

May sarili akong pananaw sa ganitong usapin. Hindi ko alam kung katanggap-tanggap ito para sa iba pero ganito ko binubuhay ang sarili ko at para sa hinaharap ko.

Hindi ako mayaman. Siguro pwede ko pang sabihing hinahangad kong maging mayaman. Pero mahirap kung ito parati ang magpapatakbo ng buhay mo. Madali kang malason. Madali kang malasing. Madali kang maging alipin ng pera. Dahil nakasisilaw ang pera.

Huwag na lang muna natin isipin ang bansa. Ang isipin muna natin, ang sarili natin at ang mga kapamilya natin. Paano ba tayo mabubuhay ngayon, bukas at sa hinaharap? Paano ba mabubuhay ang mga susunod pa nating mga anak?

Kung sa tama o mali man tayo pumanig, bahala na. Basta mabuhay tayo at ang mga susunod na henerasyon ng pamilya natin, ayos na 'yun!

Example? Eto...

May mga pulitikong galing sa hirap, nangakong kapag nailuklok ay tutulungang umasenso ang mga mahihirap, pero sino ang umasenso? Sila.

May mga mayayamang galing sa hirap. Matapos makapangasawa ng Hapon, Amerikano at kung anu-anong lahi, biglang yaman ang pamilya. Sino ang nakinabang? Sila.

May mga artistang galing sa hirap. Sa tulong ng kanilang alindog, talento at pagsisikap, yumaman. Sino ang tuluyang umasenso? Sila.

May mga negosyanteng galing sa hirap. Sa tulong ng likas na kasipagan at katalinuhan, gumanda ang buhay. Sino ang nakatikim ng ginhawa sa buhay? Sila.

Ganito kasi 'yun...

Hindi sapat ang pormulang sipag at tiyaga. Kulang na kulang 'yun para sa bansang mandurugas. Dapat may kahalong iba pang secret ingredient gaya ng diskarte. Kung matalino ka, gamitin mo 'yun! Kung gwapo, maganda, seksi at nabahaginan ka ng ka-charming-an, lubus-lubusin mo na 'yun. Advantage mo na 'yun!

Sa seryosong usapan, dapat marunong kang dumsikarte para sa'yo at sa pamilya mo. Hindi naman yumayaman ang mga mayayaman nang biglaan e. Malamang sa malamang, kumilos sila ng hindi lang pang karaniwan. Naglabas 'yun ng sangkaterbang energy, effort at oras. Pinaglaanan nila 'yun ng tiyaga o siguro ng utak.

Mahirap na rin kasi ngayon ang magtututuro sa gobyerno dahil wala rin talaga tayong aasahan sa kanila kung sa kanila lang tayo dedepende. Siyempre gusto mong mabuhay. At malamang, gusto rin nilang mabuhay. At dahil mahirap nga dito sa bansang ito, malamang sa malamang, uunahin nilang buhayin ang mga sarili nila bago tayo.

Sa makatuwid, sarili nating laban ito. Lahat tayo, tauhan lang ng isang malaking karerahan na ito. Lahat tayo pwedeng manalo. Lahat tayo pwedeng mabuhay. Lahat tayo pwedeng yumaman. Lahat tayo, may opsyong hindi manatiling mahirap. Nasa atin lahat 'yun.

Kung mahirap ka, bakit ka magbubuntis ng dose-dosenang bata? Aanhin mo 'yun? Hindi ka manok o baboy para magsilang ng napakarami para kainin. Baliktad sa tao 'yun. Sa tao, kapag nanganak ka, ikaw rin ang magpapakain sa kanila. Kung wala ka nang makain, ano pa ang ibibigay mo sa mga supling mo?

Nasa tao pa rin talaga lahat. Nasa atin pa rin talaga ang desisyon.

Kaya ang kahirapan sa Pilipinas ay hindi lang basta usapan sa pera o usapan sa pulitika at ng sistemang meron tayo. Usapan din ito nang mga taong gumagalaw para maibsan ito.

Sa miilyun-milyong Pilipino na lumalakad araw-araw, na humihinga segu-segundo, ang kahirapan ng bansa ay maiibsan kung puputulin natin ang katangahan sa sarili at pagaganahin ang diskarteng meron tayo. Maraming paraan. Sobrang maraming pagpipilian. Hindi totoong wala nang pag-asa. Meron pa. Matuto ka lang umalis sa kinauupuan mo at humanap ng maaapuhap na kasagutan.


Alexa Rating

Ako'y isang manlalakbay na tinatahak ang naiibang daan; isang manunulat na pinagkaitan ng malilikahaing ideya; isang mamamahayag na walang layang magsalita. Ako'y isang mandirigma na tinalo ng karuwagan; isang mang-aawit na sarili ko lamang ang naaaliw; isang maralitang mayaman sa mga daing. Ako'y isang mananayaw na nagsasanga ang mga paa; isang mayamang uhaw sa kalinga; isang mangingibig na 'di marunong magmahal; isang mangangaral na siyang walang alam. Ako'y isang manlalakbay na patuloy na naglalayag tungo sa kaligayahang hinahanap ng sangkatauhan. Nangangarap. Nagmamahal. Nabibigo. Nasasaktan. At patuloy na naglalakbay...

My Schedule

FJORDZTERS

Fjordz@21

Subscribers

Blogarama - The Blog Directory Personal blogs Global Voices Online - The world is talking. Are you listening? A Pinoy Blogger Top100 Bloggers - Top Blog Directory - Blog Top list Pinoy-Blogs.com top blogs Pinoy Topsites Pinoy Top Sites Top Pinoy BlogsPersonal Blogs - Blog Top Sites Subscribe with Bloglines Add to Technorati FavoritesBloggeries Blog DirectoryRanking.PinoyBlogosphere.Com Personal - Top Blogs Philippines .CO.NR Free DomainBlogista Topsites List Submit Your Site To The Web's Top 50 Search Engines for Free!

Snapbomb