HIRAYA Top Headlines

Saturday, December 27, 2008

Ang Kapangahasan ng isang Pulitiko ngayong Kapaskuhan

Views

Ngayong holiday season, nagpapasiklaban ang mga pelikulang Pinoy sa MMFF. Paramihan ng mga manunood. Pagalingan sa mga artista. Pabonggahan ng productions. Nagpapatunay na taun-taon, pinaghahandaan ng mga nasa industriya ang mga pelikulang ilalahok nila sa paligsahan mula sa istorya hanggang sa mga pipiliing artistang gaganap dito.

Kung sa mga pelikula, nakatatagpo tayo ng mga kontrabidang saksakan ng itim ang budhi, sa totoong buhay. may ganito ring katotohanan. At ang aakalain mong tagpo sa isang teleserye o sa isang madugong pelikula ay mapapanood mo rin pa la sa realidad.

Ika-26 ng Disyembre 2008, isang araw matapos ang Kapaskuhan. Isang araw kung saan, maligaya pa rin namang isinasabuhay ng mga tao ang diwa ng Kapaskuhan nangyari ang walang awang pananakit ng isang pulitiko sa isang 56-taong sibilyan kasama ng 14-taon nitong anak sa isang golf course sa Antipolo City.

Isinalaysay ng isang dalaga ang kinahantungan ng kanyang ama at kapatid sa kamay ng isang pulitiko matapos ang isang mainit na sagutan. (Read the whole story here.)

Wala ako sa mismong pangyayari. Hindi ko rin masasabi kung sino ang tama sa mali. Wala rin akong kinakampihan sa dalawang kampo. Kaya hindi na rin ako makikialam sa kung ano man ang puno't dulo ng laban nilang iyon. Ang sa akin lang ay ito:

"Things get heated up. Voices were raised... He attacks my father. His flightmates, maybe 2 or 3 of them, rush to his aid and beat up my father. My 56-year-old father. My younger brother and I could not just watch. We rushed to break the fight. My younger brother pleads to the mayor to please stop it. To not hurt my dad. To just stop. His words still ring through my head..."Sorry na po, sorry na po...tama na...tama na po..." With his hands in front of his chest in a praying position. PLEADING. The mayor socks him in the face. My brother defended himself. My dad is still on the ground getting clobbered. My brother is the same way. I try to stop the fight, but all I can do is stop one person. There were 4 or 5 of them attacking now."

"Someone breaks up the fight...The mayor shouts to his caddy: "Hindi nila kami kilala! Sabihin mo nga sa kanila kung sino ako!" "


"The mayor looks at my brother, point to his face, and says, "Tatandaan kita!" "


"Him and his friend pull my dad to the ground, pulls at his feet, and steps on him like he's dirt."


"The receptionists came to us, crying, hugging me, my dad, and my mom, whispering to us to just leave. "Maam, umalis na po kayo, may mga baril sila...Ma'am...umalis na po kayo please...""

Iyan mismo ang mga linya sa isang blog post ni Bambee Dela Paz, ang anak at kapatid ng dalawang biktima ng walang awang mayor ng Masiu City, Lanao del Sur na si Mayor Nasser Pangandaman, Jr.

Ang mga katagang ito na binitawan ng pulitikong iyon ang hindi ko masikmura bukod sa kalapastanganang ginawa niya sa mag-ama. Kung anuman ang rason ng pinag-awayan nila, kailangan pa bang humantong sa ganito?

Kailan pa nagkaroon ng karapatan ang mga pulitikong ipangalandakan sa buong mundo ang estado nila sa buhay? Kailan pa nga ba nagkaroon ng pagkakataon silang mga pulitiko na manakit ng kapwa tao nila?

Ganito nga ba ang mga pulitiko sa Pilipinas? Oo! At habang patuloy tayong bumuboto sa mga ganitong uri ng mga pulitiko, patuloy pa rin silang magmamalaki na animo'y mga Diyos!

Nananawagan ako sa lahat ng mga makakabasa nito. Sa lahat ng mga manunulat. Sa lahat ng mga bloggers. Gusto ko sanang matulungan ang pamilya nila na mabigyan ng hustisya kahit sa maliit na paraang ito. Kung maaari, makarating sana ito sa media. At wala sanang mag-atubiling ilabas ang baho ng kwentong ito.

Sana, magising na tayo sa takot. Wala silang laban kung sama-sama tayong makikipaglaban. Iilan lang sila. Marami tayo. At kung makapangyarihan man sila, wala silang laban kung buong bayan ang hahatol sa kanila.

Click here to post a >>COMMENT<<

Alexa Rating

Ako'y isang manlalakbay na tinatahak ang naiibang daan; isang manunulat na pinagkaitan ng malilikahaing ideya; isang mamamahayag na walang layang magsalita. Ako'y isang mandirigma na tinalo ng karuwagan; isang mang-aawit na sarili ko lamang ang naaaliw; isang maralitang mayaman sa mga daing. Ako'y isang mananayaw na nagsasanga ang mga paa; isang mayamang uhaw sa kalinga; isang mangingibig na 'di marunong magmahal; isang mangangaral na siyang walang alam. Ako'y isang manlalakbay na patuloy na naglalayag tungo sa kaligayahang hinahanap ng sangkatauhan. Nangangarap. Nagmamahal. Nabibigo. Nasasaktan. At patuloy na naglalakbay...

My Schedule

FJORDZTERS

Fjordz@21

Subscribers

Blogarama - The Blog Directory Personal blogs Global Voices Online - The world is talking. Are you listening? A Pinoy Blogger Top100 Bloggers - Top Blog Directory - Blog Top list Pinoy-Blogs.com top blogs Pinoy Topsites Pinoy Top Sites Top Pinoy BlogsPersonal Blogs - Blog Top Sites Subscribe with Bloglines Add to Technorati FavoritesBloggeries Blog DirectoryRanking.PinoyBlogosphere.Com Personal - Top Blogs Philippines .CO.NR Free DomainBlogista Topsites List Submit Your Site To The Web's Top 50 Search Engines for Free!

Snapbomb