Gusto ko silang bulyawan. Gusto kong kunin isa-isa yung mga pangalan ng Makati Traffic Enforcers na yun kasama ng pangalan ng bus at yung plate number nila. Pero HINDI ko ginawa.
Hindi ko alam kung karuwagan ang ipinakita ko kanina pero matapos yung mga pangyayari, kulang na lang buhusan ako ng isang timba ng malamig na tubig para lang ibalik sa tamang temperatura ang buong katawan ko.
Napapamura ako habang naglalakad sa kahabaan ng Ayala papuntang opisina. Bakit kasi hindi ko ginawa yung sa tingin ko'y dapat kong ginawa nung mga sandaling iyon. Sobrang palpak! Bakit hanggang sa isip lang lahat? Bakit hanggang sa blog lang? Hindi ko kinayang harapin silang mainit ang ulo. Bakit mahinahon ko silang sinermonan? Bakit?
Hindi ko talaga matanggap yun. Pero habang inilalabas ko sa mga sandaling ito ang init ng ulo ko ay unti-unti namang pinalalamig nito ang pakiramdam ko. Siguro nga, nakatama rin na hindi ko sinabayan ng init ng ulo yung driver ng bus na kung tutuusin ay mali naman talaga. Pero kung hidi rin naman kasi sandamakmak na gago tong mga traffic enforcers na'to, mano ba namang kunin ang lisensya na lang, tiketan ang driver nang makaalis na rin kagad kami? Di ba? Kasimpleng gawin! Ano pa kaya ang mga napag-usapan nila sa likod ng bus? Badtrip talaga!
Alam kong mahigpit ang batas dito sa Makati, kaya naiintindihan kong dapat itong pairalin anumang oras. Sana naman, bigyan din nila ng konsiderasyon yung mga pasaherong direktang apektado sa polisiya nila. Kami rin naman, higit kaninuman, nakikinabang at makikinabang nang mga batas na mahigpit nilang pinaiiral.

















|