Matatandaang naging mailap sa TV at iba pang commitments ang singer-actress na si Ms. Regine Velasquez nitong mga nakaraang linggo. Napabalitang nagkasakit umano ang Asia's Song Bird dahilan para lumiban sa Saturday program niyang Are You The Next Big Star? at ang di niya pagsipot sa flop na first-ever concert sa bansa ng international singing sensation na si Charisse.
Ngayong naging magaling na si Regine, kinumpirma nitong tinamaan nga siya ng virus ng A (H1N1) dahilan upang matengga ang aktres sa kanyang mga trabaho.
Photo Credit: www.syobis.com
Photo Credit: www.syobis.com


















|