Although nauna nang sinabi ni Gretchen Baretto sa press na hindi muna ito tatanggap ng teleserye o film projects dahil hindi niya kakayanin ang anumang taping na usually ay tumatagal nang magdamagan, kamakailan lang din ay ibinalita nito bago ang kanyang pag-alis papuntang Amerika na may teleserye na nga siyang inoohan sa puder ng ABS-CBN.
Excited si Greta sa pagbabalik teleserye niya dahil isang exciting character ang gagampanan niya sa Claudine Baretto soap sa primetime. Bukod sa literal na magkapatid din sila sa story ng naturang drama, aminado si Greta na marami siyang matututunan sa nakakababatang kapatid na nagkamit na rin ng samu't saring awards para sa kanyang mga ginampanang papel.
Hindi pa man pinal ang lahat sa naturang teleserye, nangako naman si Greta na tiyak na kapananabikan ng mga Kapamilya ang kanilang pagsasama ni Claudine sa Primetime Bida.
Photo Credit: PEP.ph
Photo Credit: PEP.ph


















|