HIRAYA Top Headlines

Friday, July 3, 2009

I Love Blogging!


It's Friday. Finally. Wala nang klase. At dahil holiday sa US every July 4, wala rin kaming pasok sa work. Nagdesisyon akong umuwi ng Bulacan. Para makapagpahinga. Para makatulog nang mahaba-haba naman. Para maramdaman ko namang tao ako, hindi robot.

Pero dahil medyo gising pa ang ulirat ko, binisita ko ulit ang blog ko. At nagsimulang mag-blog hop. Chance ko na ito. The last time na nagblog hopping ako ay hindi ko na maalala. Nalimutan ko na rin ang buhay ng mga ka-blogs ko. Mga kaibigan ko rin sila kahit na hindi ko naman talaga sila nakakahalubilo sa real world.

Nakakatuwa. Nagbabalik sa akin ang mga panahong ang blog ko ang araw-araw na outlet ko sa mga problema ko sa buhay. Hanggang ngayon naman ganun pa rin. Pero after reading some posts from my blog archive, nadiscover ko na super pa la akong naging dependent sa blog ko noon. Sa mga readers ko na eventually ay naging mga kaibigan ko. Super pala akong nag-rely sa kanila noon sa mga aral na dapat kong matutunan sa bawat sakit na nararamdaman ko.

Sa ngayon, kahit papaano, nakarecover na ako sa lovelife crisis ko noon. Buhay na buhay na ulit ako. After the emo-posts series ko noon, heto't iba naman ang topic ng Hiraya. It's slowly becoming a news, entertainment and event blog. Halo-halo. Pero, I consider this niche as personal pa rin. Ako pa rin ito. Ako pa rin ang nagtatago sa likod ng bawat kwento ko rito. Ng bawat balita. Ng bawat tsismis.

For four years in the blogosphere, hindi ko pa rin talaga maiwan-iwan yung identity ko rito. Yung Fjordz na nakilala ng mga kapwa bloggero at yung Fjordz na na-e-exist sa totoong buhay ay maraming similarities pero magkaiba pa rin sila. At yung HIRAYA na tahanan niya rito at ay isang ideal niche niya sa realidad. Maraming pagkakapareho, pero magkaiba pa rin.

I guess, ito ang dahilan kung bakit pa rin ako nagtatagal sa blogosphere. Kasi mahal ko ang ginagawa ko. Kasi nakikita ko ang mundo sa lugar na ito. Kasi nakikita ko ang realidad sa dimensiyong ito. Kasi mahal ko ang bawat piraso ng letra na idinidikta ko sa keyboard na ilabas dito.

Marami nang nangyari sa Hiraya. Marami nang nagbago. At alam kong sa paglipas pa ng ilang taon, patuloy na makikisabay ang Hiraya sa mga pagbabago ng mundo at ng blogosperyo. At ako pa rin ang nasa likod nito. Ako pa rin si Fjordz na parating nasa likod ni Hiraya.

I miss my old blog posts and the emotions and memories attached to them. Pero, gaya ng realidad, life must go on. May timeline din ang blog. May date. Nagbibilang ng taon. Tumatanda. Lumilipas ang mga naunang entry at niluluma ng panahon. Parang tao lang. Pero hindi makukumpleto ang archive ng isang blog kung wala ang mga ito. Parang tao lang. Parang mundo lang. Parang tayo lang.

HIRAYA. Patuloy na mag-e-exist ang blog na ito hangga't nag-e-exist pa rin ang Fjordz sa likod nito. I love blogging!

oOo
Hindi ko alam kung kasama pa rin ang entry na ito sa isang blog contest na sinalihan ko - ang I Love Blogging ng I Love blognirey.com. Late na kasi akong nagkaroon ng time na gumawa ng entry ko. Kung hindi lang ako naglibut-libot sa blogosperyo ngayon, hindi siguro ako makakagawa ng entry ko. Hindi na rin ako nag-english, Pinoy blogero ako at paninindigan ko yun sa post na to. Tagalog. Semi-tagalog pala kasi may mga english terms pa rin akong ginamit. Salamat na rin sa blognirey.com sa contest na to. Manalo, matalo, at least, na-ishare ko yung tahanang ito sa iba pang mga Pinoy bloggers out there.

iloveblogging

Alexa Rating

Ako'y isang manlalakbay na tinatahak ang naiibang daan; isang manunulat na pinagkaitan ng malilikahaing ideya; isang mamamahayag na walang layang magsalita. Ako'y isang mandirigma na tinalo ng karuwagan; isang mang-aawit na sarili ko lamang ang naaaliw; isang maralitang mayaman sa mga daing. Ako'y isang mananayaw na nagsasanga ang mga paa; isang mayamang uhaw sa kalinga; isang mangingibig na 'di marunong magmahal; isang mangangaral na siyang walang alam. Ako'y isang manlalakbay na patuloy na naglalayag tungo sa kaligayahang hinahanap ng sangkatauhan. Nangangarap. Nagmamahal. Nabibigo. Nasasaktan. At patuloy na naglalakbay...

My Schedule

FJORDZTERS

Fjordz@21

Subscribers

Blogarama - The Blog Directory Personal blogs Global Voices Online - The world is talking. Are you listening? A Pinoy Blogger Top100 Bloggers - Top Blog Directory - Blog Top list Pinoy-Blogs.com top blogs Pinoy Top Sites Top Pinoy BlogsPersonal Blogs - Blog Top Sites Subscribe with Bloglines Add to Technorati FavoritesBloggeries Blog DirectoryRanking.PinoyBlogosphere.Com Personal - Top Blogs Philippines .CO.NR Free DomainBlogista Topsites List Submit Your Site To The Web's Top 50 Search Engines for Free!

Snapbomb