Umani nang samu't saring reaksyon ang mga naging pahayag ni Freddie Aguilar sa international Pinoy singing sensations Charisse at Arnel Pineda. Hati ang mga naging reaksyon ng mga tao nang maging tampok ng samu't saring diskusyon sa radyo at iba pang talakayan ang usapang originality sa pagkanta.
Ayon kay Freddie, “Ang sabi ko, kaya tayo binabansagang Pilipino na unggoy ay dahil manggagaya tayo. Ako ang magtatanong sa lahat ng singer na Pilipino, bakit puro banyaga ang kinakanta ninyo? ‘Yan ang tanong ko, hindi ‘yung tinatanong n’yo sa akin kung bakit ko kayo tinatawag na unggoy. Kayo ang nagpatawag na unggoy dahil gaya-gaya kayo.”
Maaalalang minsang tinuring ng singer na si Mariah Carey na 'monkey' ang Asia's Song Bird na si Regine Velasquez, ngayon, kapwa Pilipino ang nagbansag nito sa kapwa artist.
Kung tutuusin, may punto nga naman si Ka Freddie sa kanyang mga itinuring pero, not in defense kina Charisse at Arnel, siguro, baguhan pa lang naman din sila sa industriya and they're still trying to make names sa ngayon. Hindi rin naman siguro tatanggapin ng madla sa US kung wala silang originality. May sariling diskarte rin naman ang dalawa sa kani-kanilang singing styles. At, siguro, magkaiba lang sila ng way kung papaano ideliver yung originality ng song compared to Ka Freddie na sinasabing dapat original songs ang inaawit nina Charisse at Arnel. Isa pa, tingin ko naman, Charisse and Arnel are just grabbing the opportunity. Let's give them the chance na OPM naman ang iintroduce nila in the future. Mahirap naman kasing sumugal kung baguhan ka palang and you're trying to give the odd things sa US. Di ba?
Photo Credit: ABS-CBN.com
Photo Credit: ABS-CBN.com


















|